Panitikan sa Panahon ng Ikatlong Republika
Kaligirang Kasaysayan
Matapos ang sampung taong pagkakasadlak ng Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar, muli itong naging malaya nang inalis sa bansa ang nasabing batas noong ika-2 ng Enero, 1981.
Sa pananaw ng mga naglilingkod sa pamahalaan, ang Pilipinas noon ay isa na namang bagong bansa, kaya’t ito’y tinawag ng dating Pangulong Marcos na “Ang Bagong Republikang Pilipinas”. Sa kabilang banda, may isang mananalaysay na nagsabing ito ang Panahon ng Ikatlong Republika.
Di-mapasusubaliang maraming mamamayan ang tumutol at nagpupuyos dahil sa hindi pagdama ng kalayaan. Lalong nag-alab ang damdamin ng mga tao nang pinatay noong Agosto 21, 1983 si Benigno Aquino na idolo ng Pilipino.
Karaniwang Paksa ng mga Manunulat sa Panahong ito:
Ø Pakikisama
Ø Paggawa
Ø Pagdalamhati
Ø Kahirapan
Ø Pulitika
Ø Imperyalismo
Sangay ng Panitikan
Tula
- ang mga tula sa panahong ito ay may pagkaromantiko at rebolusyonaryo. Lantaran ito kung tumuligsa sa panahon. Ang hinaing ng mga mamamayan ay nakatambad sa wikang maapoy, marahas, makulay, at tila mapagtungayaw
- ang ilan sa mga tula sa panahong ito ay Uod ni Rodolfo S. Salandanan at Pilipinas, Sawi kong Bayan ni Francisco “Soc” Rodrigo
Awiting Filipino
- tungkol sa mga paksang madarama sa buhay ang nilalaman ng mga Awiting Filipino. Halimbawa ay ang kalungkutan, kahirapan, paghahangad ng tunay na kalayaan, pag-ibig sa Diyos, sa bayan, at sa kapwa
- ang ilan sa mga sikat na kompositor ay sina Coritha, Eric, Freddie Aguilar atbp.
- mga komposisyon ay Laban Na ni Coritha at Eric, Bayan Ko at Pilipino ni Fredie Aguilar
Pelikulang Filipino
- nagpatuloy ang pagdiriwang ng taunang Pista ng mga Pelikulang Filipino
- laganap sa panahong ito ang mga pelikulang nahihinggil sa Sex
Pahayagan, Komiks, Magasin, at iba pang babasahin
Dalawang Partido ng Pahayagan sa Panahing ito:
Ø “crony newspapers”
§ mga di-makatotohanang pahayag
§ kabilang sa mga ito ay ang Bulletin Today, People’s Journal, at People’s Tonight
Ø mga pahayagang nagpapahayag ng mga totoong pangyayari
§ ilan sa mga pahayagang ito ay ang Forum, Daily Inquirer, Manila Times, at Malaya
Tinangkilik pa rin ng mga kabataang Pilipino ang mga komiks at magasin tulad ng Kislap, Modern Magasin, Bulaklak, Liwayway, Extra Hot, Jingle Sensation, Lovelife, Extra, Aliwan, atbp.
Ang Timpalak-Palanca
Ang Don Carlos Palanca MemoriaL Awards for Literature ang pinakaprestihiyosong gawad pampanitikan ng bansa sa larangan ng tula, maikling kuwento, sanaysay, at iisahin o tatatluhing yugtong dula.
Ang mga nakamit ng unang gantimpala sa mga larangang nabanggit simula noong 1981 hanggang 1985 ay ang mga sumusunod:
Tula:
1981: “Taga sa Bato” May-akda: Romulo A. Sandoval Sagisag: Victor Buenaviaje
1982: “Odyssey ng Siglo” May-akda: Cresenciano C. Marquez Jr. Sagisag: Eva A. Dan
1983: “Sa Panahon ng Ligalig” May-akda: Jose F. Lacaba Sagisag: Bernardo Makiling
1984: “Bakasyunista” May-akda: Tomas F. Agulto Sagisag: Sarhento J. de la Cruz
1985: “Punta Blangko” May-akda: Mike L. Bigornia Sagisag: Haraya Negra
Maikling Kuwento:
1981: “Di Mo Masilip ang Langit” May-akda: Benjamin P. Pascual Sagisag: Radamen
1982: “Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra” May-akda: Lualhati Bautista Sagisag: Joy Marela
1983: “Pinagdugtong-dugtong na Hininga Mula sa Iskinitang Pinagpiyestahan ng mga Bangaw” May-akda: Agapito M. Lugay Sagisag: Peping de la Cruz
1984: “Sa Kaduwagan ng Pilikmata” May-akda: Fidel D. Rillo, Jr. Sagisag: Virginia Rivera
1985: “Unang Binyag” May-akda: Ernie Yang Sagisag: Homer
Sanaysay
1981: “Sa Sariling Panunuring Pampanitikan; mga Hamon at Panagutan” May-akda: Pedro L. Ricarte Sagisag: Priscilla R. Moreno
1982: “Isang Liham sa Baul ng Manunulat” May-akda: Fanny A. Garcia Sagisag: Simone
1983: “Ang Kontemporaryong Nobelang Tagalog” May-akda: Rosario Torres Yu Sagisag: J. de la Cruz
1984: “Mga Tinik sa Dambuhalang Bato” May-akda: Lilia Q. Santiago Sagisag: Abante Altamonte
1985: walang nagkamit ng unang gantimpala pero may pinagkaloobang espesyal na gantimpala; “Now for the Fun of the Flowing Gutter” May-akda: Fidel Rillo Jr. Sagisag: Don Miguel del Vino
Nobela
Ø nagkaroon ng sunod-sunod na paligsahan sa larangan ng pagsusulat ng nobela
Ø pinagpipilian at tinitingnan kung alin ang mas may kabuluhan at binibigyan ng Timpalak Palanca Judges ng 3 taon ang mga awtor upang makagawa ng maganda at mahabang nobela
Halimbawa: “Huling Gabi sa Martagondon”
KABUUANG TANAW
Mga sanaysay, awit, talumpati at mga tula pa rin ang masasabing nangunguna sa sangay ng Panitikang Filipino nang Panahon ng Ikatlong Republika.

1 Comments:
tnx sa info.
Post a Comment
<< Home